Wednesday, May 11, 2016

Instagram launch this new logo design

Sabi nga nila walang permanente sa mundo maliban na lamang sa salitang permanente. Pero syempre ang babago na ito ay para sa ikakabuti ng lahat.

Isa ang Instagram sa nagbago sa buhay sa ating lahat sapagkat dito tayo tumingin ng mga iba't-ibang mga pangyayari sa mundo ng fotograpiya at para sa masa naman sa mundo ng showbiz.

Masasabi ko malaki ang naiambag ng instagram sa akin bilang isang ordinaryong tao sapagkat dito ko nakilala ng personal ang ilan sa mga tinitingala sa mundo ng fotograpiya at sa mundo ng showbiz. Marami mang mga hindi magagandang komento ang iyong mababasa ngunit makikita mo dito kung paano nga ba ihandle ng isang tao ang kanilang mga haters o basher.

Sa Instagram ko din na meet ang ilan sa masasabi ko na rin naging kaibigan kahit paano dahil nagsimula lamang sa munting instameet hanggang sa sumali sali na rin sa mga world wide instameet o mas kilala bilang WWIM. Isa ito sa mga naging daan upang mas lalong lumawak ang aking kaalaman sa mundo na aking pinasok. Oo madaming mapangyunwari kaya naman dapat alam ko kung saan ka lulugar at kung paano tumugon sa mga bawat taong nakikilala mo sa instagram.

Kaya naman nitong hapon lamang ay inilunsad ng Instagram ang kanilang bagong logo design kung marami ang nagulat sa biglaan pag-iba ng instagram logo marahil dahil na rin sa limang taon na rin sila sa social network at marahil biglang isang pagbabago na magaganap dito.

Narito ang opisyal na bagong logo ng Instagram.
Ikaw anu ang mamasabi mo sa bagong logo ng instagram?

0 comments :

Post a Comment