Monday, May 2, 2016

Mangan Ta Na : Just Thai - Alabang Revisited


Tiga-South ka kung narinig mo na ang masarap na kainan sa iba't-ibang putahe sa Molito 4 kung saan tampok doon ang ilan sa mga masasarap at kakaibang cuisine mula sa iba't-ibang dako ng mundo mula sa chinese, japanase, korean o maging ang asian food. Kaya naman hindi na ako magtataka pa kung bakit madami na rin ang pumunta ka sa Molito para lamang matikman ito.

Isa sa mga dinarayo na restaurant sa Molito Alabang ang Just Thai kung tama ang pagkakatanda ko ay pang 4 ko na atang balik ito. So alam ninyo na ang ibig sabihin masarap talaga ang pagkain dito maliban pa dito sulit ang pera ilalabas mo lalo na sa panahon ngaun na ang mahal ng mga bilihin hindi ba? (buti pa nga ang bilihin nagmamahal pero sya hindi #hugot) kaya naman samahan ninyo akong tikman at namnamin ang mga piling mga pagkain na aking tinikman ng ako'y muling nagbalik sa Just Thai - Alabang.


Para sa mga hindi nakakaalam ang mga Thai food ay maraming mga palabok na hinahalong mga sangkap katulad ng mga ginger o mga species na lalong nagpapasarap sa kanilang mga pagkain maliban pa dito mahilig din sila sa mga medyo magata na pagkain o ibig sabihin para ka rin nasa Bicol ang datingan yun nga lang iba ang ambiance.

Isa ang Just Thai sa gustong-gusto ko na ambiance sa Molito dahil simple lang ang datingin nila minimalist ika nga at liban pa dito lakas maka instagram ng mga kantuhan nila. Kaya naman kung mahilig ka sa mga instagram post na pang-arte malamang pwede ka dito at hindi ka magsisi.

Tara samahan mo na akong tikman ang nimannam ng Just Thai.

Tom Kha Gai P190

Love this Tom Kha Gai kasi nagbibigay sya ng kakaibang aruma at kakaibang panlasa pagtinikman mo siya. Ang Tom Kha Gai ay isang Thai chicken coconut soup kaya naman tamang tama ito sa mga matatanda na na gusto ng simple soup pero ubod ng sarap at sustansya.

Pla Muk Tod P320
Ang Pla Muk Tod o mas kilala sa pagkain pioy na kalamares, ang gusto ko sa Just Thai ay ramdam mo na fresh ang inahain nila sapagkat hindi bubble gum pagkumakain na ito na siyang ayaw na ayaw ko sapagkat alam naman natin na mahirap kainin ito pagbubble gum ang datingan.

Moo Grob P280
 Ang Moo Grob o kilalang pagkaing pinoy na lechong kawale kung tama ang pagkakatanda ko isa it sa mga naging paborito ko kasi ang lambot niya at sarap na sarap kang kainin kulang na lamang ay sorbesa para maging inuman session na.

Crab Meat Fried Rice P220

Ang gusto ko dito sa Crab Meat Fried Rice lakas makarice in a bowl style ung tipong di mo na kailangan pang gumalaw ng ibang putahe, itong Crab Meat Fried Rice sapat na eh dahil mabubusog ka na ng husto.

Pad Gaprow Talay P280
Ang gusto ko naman dito sa Pad Gaprow Talay ung masasabi mong ay fresh at hindi malansa sa bibig at alam mo ung tipong kahit bawal kakainin mo dahil dama ng panlasa mo ung aroma ng thai at sipa ng species nito.

BPlah Meuk Gkratiem Manao P300
Squid din ito pero ito ung tipong pagkain na di mo pagsasawaan kagaya ng kalamares na parehos masarap at hindi bubble gum pagkinain marahil dahil sa pagkakaluto at higit sa lahat ung pagsama-sama ng mga species na meron dito. Pwedeng pwede ito kina lolo at lola na mahirap ng kumain dahil kailan malambot na pagkain lang ang pwede.

Gai Tod P220
Ang Thai friend chicken nila ang gusto ko dito ung sauce na ginamit nila ang sarap lang ng pagkakagawa mas marerecomend ko ito sa mga batang gusto puro prito dahil ang sarap ng magkakamarinate nila dito at di lamang ung sagad sa buto ung lasa hindi katulad sa iba na hanggang balat lang.

Pad Thai P280
Akala ko noog una ay jellyfish ung nakahain yun pala hindi. Pad Thai mismo gusto ko ito kasi lakas maka sosyalin ng dating maliban pa dito ang healthy niya parang nabalance ang go. glow at grow.


Ang paborito kung part ito na ang dessert, oo ang dessert sapagkat isa ito sa mga tinitignan ko kung pwede ba sya sa mga kaibigan kung mahilig din sa dessert at kagaya nga ng sabi ko pang 4 na beses ko na din ito sa Just Thai at never nila akong binigo sa bagay na ito ang kanilang best seller at talaga naman nakakahiyang galawin dahil sa ganda ng pagkakagawa.

Khao Niao Ma Muang P260
Isa sa masasabi kung ibang klaseng kumbinasyon kung nasanay ka sa suman na asukal ang katapat ito iba eh, manggang matamis na fresh yung tipong natural na nahinog at hindi pinilit katulad ng pag-ibig at sasamahan pa ng coconut milk.


Ito na an paborito ng bayan maging ilan sa mga sikat o kilalang personalidad sa lipunan ang dessert ng bayan ang Tha Kho.

Tha Kho P140
Para siyang maja blance na sakto sa lasa hindi nakakaumay kaya naman pwede sa lahat maging sa may mga diabetes kasi tama lang ung texture ng tamis na meron ang Tha Kho.

Kaya naman busog lusog ako pagkatapos kung kumain sa Just Thai sulit na sulit lahat ng perang ilalabas mo maliban pa dito mababait ang mga staff at alert sila sa mga bagay na ioorder mo.

Kaya naman kung tigasouth ka wag na wag mong papalagpasin ang Just Thai sa Alabang.

Para sa iba pang impormasyon tumungo lamang sa kanilang opisyal facebook na https://www.facebook.com/Just-Thai-194210380589164/ o sa kanilang website na http://www.justthaicuisine.com/ o kung gusto umorder maari lamang tumawag sa 808-4058.

So paano hanggang dito na lang ako sana magkita tayo pagnagbalik ako sa Just Thai at magkwentuhan sa mga hugutan at pagibig.

0 comments :

Post a Comment