Tuesday, June 28, 2016

Ryan Bang make a new song entitled “Like Love Follow”


Isa sa mga kinakaaliwan ng mga madlang pipol sa tanghaling programang "It's Showtime" ay si Ryan Bang dahil sa kanyang kakaibang o mas tamang sabihin na masayahing personalidad kaya naman hindi na nakapagtataka pa kung bakit maraming nagmamahal sa kanya kahit na sya isang Koreano.
Sino ba naman ang hindi makakalimot sa kanyan pagpasok sa Pinoy Big Brother kung saan isa sya sa mga dahilan kung bakit mas naging kalog at magulo ang kanilang batch.

Kaya naman bilang isang magtanaw ng niya sa kanyang mga fans may muli syang gumawa ng isang ingay na talaga naman nagbibigay sa atin ng saya.


Kung napanood ninyo ang kanyang unang youtube production na Shopping na medyo seryoso at dahil sa video na iyon ay mas nakilala siya ng kanyang kababayan sa Korea at nagkaroon pa nga sya ng guesting sa telebisyon sa nasabing bansa.

Kaya naman sa kanyang muling pagbabalik sa mundo ng youtube ay talaga namas mas may kwela at kakaibang konsepto ang kanyang hatid sa madlang pipol.

Pero syempre bago yan nagkaroon muna ng media conference kung saan nakapanayam ng mga media pipol si Ryan Bang at kinamusta kung paano nya nabuo ang kanyang bagong youtube video na “Like Love Follow”.

Tara samahan mo natin kilalanin pa ng husto kung sino nga ba si Ryan Bang.



Hanggang matapos ang media conference ni Ryan Bang ay puno kami ng halakhakan kaya naman masasabi kong hindi pa rin nagbabago ang kanyang personalidad sa kabila ng maraming syang mga proyekto sa kanyang network.

Narito naman ang opisyal na youtube ni Ryan Bang sa “Like Love Follow.”


0 comments :

Post a Comment