Monday, June 20, 2016

Walang Katapusang Sequel ni Alvin Molina

Sino nga ba ang hindi makakarelate sa isang dula na nilikha at sinulat ng isang magaling na manunulat sa henerasyon ngaun na si Alvin Molina. Marahil nakita mo na ang kanyang likha na Walang Katapusang Sequel kung saan binigyan buhay ito ng Antrosininglaya Theatre Company.

Isang kwento na naglalarawan ng isang pag-ibig, pag-ibig na hindi natin mawari kung saan nga ba patungo kaya naman hindi na ako magtataka pa kung bakit maraing nahuhumaling ngaun sa mga hugot lines mula sa pelikula, sa radyo, telebisyon at ngaun nasakop na niya ang mundo ng teatro.

Maging ako biglang isang tagasubaybay ng teatro ay nahuhumaling sa galing na gawa ni Alvin Molina minsan ko lamang ito napanood ngunit masasabi ko na karapat-dapat itong bigyan ng pansin lalo na ang makabagong henerasyon ngaun.

Tara samahan mo akong silipin ang ilan sa mga kakaibang teaser na kanilang nilikha para sa atin lahat ang Walang Katapusang Sequel kasama ang "Star Wars."



Hindi ba sa teaser pa lamang ng Walang Katapusang Sequel ang sakit sakit na, paano na lamang kaya kung napanood mo ito ng personal at makita kung paano nga ba ang Walang Katapusang Sequel.

Mapapanood ang Walang Katapusang Sequel sa  A SPACE, MAKATI
June 3 (8pm) and June 4 (5pm and 8pm) at sa SPLICE RESTO BAR, ORTIGAS
June 24 (8pm) and June 25 (5pm and 8pm), July 2 (1pm, 5pm, and 8pm)

Para sa iba pang importmasyon ng Walang Katapusang Sequel'  Antrosininglaya  maari lamang mag-iwan ng mensahe sa kanilang fanpage www.fb.com/antrosininglaya o contact Maxin Canlas: 0917764082

So paano kita-kits tayo sa isang madamdaming hugutan ng Walang Katapusang Sequel ni Alvin Molina.

0 comments :

Post a Comment