Thursday, July 28, 2016

Mutya ng Pilipinas 2016 offering something new and different



Isa ang Mutya ng Pilipinas sa mga inaabangan pagdating sa isang paligsahan ng ganda at talino.

Marahil dahil maganda ang layunin ng kanilang paligsahan sapagkat mas nagbibigay sila ng focus sa inang kalikasan. Dahil alam naman natin lahat na unti-unti na itong nasisira o mas tamang sabihin na nawawala na dahil sa mga sunod-sunod o matuloy na magsira nito mula sa bundok hanggang sa kanayunan.


Kaya naman para mas umabong pa ang pagprotekta sa inang kalikasan ay mas binigyan ng kakaibang at mahigpit na pagpapahalaga nito ang pamunuan ng Mutya ng Pilipinas.

Noong nakaraang unang linggo ng Hulyo ay ipinakilala na sa madla kung sino-sino nga ba ang mga kalahok ng Mutya ng Pilipinas at masasabi ko na kakaiba at makikita mo talaga sa kanila na sumali sila hindi dahil sa kasikatan na matatamo nila sa Mutya ng Pilipinas kundi dahil sa gusto nilang bigyan ng halaga ang inang kalikasan.

Nagkataon naman na nagkaroon kami ng exclusive interview sa President ng Mutya ng Pilipinas na si Ms. Jacqueline Tan kung anu nga ba ang bago at kakaiba sa taong 2016 ng Mutya ng Pilipinas.

Narito ang kumpletong sagot ni Ms. Jacqueline Tan patungkol sa bagay na iyan,


Kaya naman kapana-panabik ang Mutya ng Pilipinas 2016. Kaya huwag na huwag mong papalagpasin ang kanilang coronation night sa Resort World Manila at mapapanood sa ABS-CBN sa Hulyo 31.

0 comments :

Post a Comment