Wednesday, November 9, 2016

BigBenta, your one stop online shopping

BigBenta Official Site
Sa panahon ngayon gusto ng tao ay isang mabilis na proseso na ang kailangan dahil marami ng nagbabago sa bawat ikot ng mundo kaya naman hindi na ako magtataka pa kung bakit bigla na lamang naghit ang online shopping sa bansa ngayon. Kung hindi ako nagkakamali nagsimula ito sa isang ads lamang sa telebisyon na naging isang tv shopping ngayon ito na ang ang mas mabilis at mas progresibo na labanan sa mundo ng shopping online.


Bilang isang most used internet sa buong mundon hindi na ako magtataka pa kung marami na sa merkado ang ganitong kalakaran ang online shopping kung saan nagsimula ito sa multipy.com kung hindi ako nagkakamali.

Kaya naman bilang isang millennials ay mas gusto ng ganito walang hassle makipagsiksikan sa magulong mundo ng retail store o hindi naman kaya ay pumunta sa Divisoria para lamang makipagtawaran at pagkatapos ay ibenta ito sa mga kaibigan (oo negosyo ito).

Kaya naman laking tuwa ko na magkakaroon na ang sariling online shopping ang Pinoy para sa Pinoy ito ay walang iba kundi ang BigBenta.

BigBenta, Confirmation Notification

Anu nga ba ang BigBenta?

Ang BigBenta ay isang pinoy made online shopping kung saan pwede kang tumingin, bumili ng mga products na mga kailangan mo mula sa gamit sa bahay, sa sarili o maging pangregalo ngayon pa ngaun na nalalapit na ang pasko hindi ba? Syempre kung ikaw naman ay isang negosyante o tinatawag nating retailers swak na swak ito sa ito at hindi ka malulugi sapagkat dito sa BigBenta ikaw mismo ang boss sa lahat ng bagay mula sa presyo na kailangan mo (SRP) hanggang sa discount na kailangan mo. Maliban pa dito ang isang retailer ay mayroon sariling dashboard kung saan dito mo matrack kung sino-sino na nga ba ang mga bumili sa ito simula sa simula, lalo na ngaun na bihira na lamang tayo magtext hindi ba? At ang kagandahan pa sa BigBenta ay unlimited store sila meaning the more the happy hindi ba?

Maliban pa sa online shopping ang BigBenta ay meron din na advertising kung ayaw mo naman magbenta at gusto mo lamang na mag-ads at makilala ka ng husto ang BigBenta ang nababagay sa iyo sapagkat nag offer din sila ng ads space para sa iyo (hindi na uso yellow pages). Liban pa dito ang BigBenta Ads ay open sa lahat mula sa small enterprenuer hanggang sa big company.

Isa pa sa maganda sa BigBenta sigurado makukuha mo ang products na kailangan mo at tama ito sa binili mo sapagkat meron silang tatlong method ng verification sa mga products na kinuha mo mula sa email, text  at sa site mismo.

Method of Payment in BigBenta

Isa sa mga importante sa isang online shopping store ay ang method of payment sapagkat dito mo makikita kung gaano nga ba kahalaga ang customers para sa kanila at masasabi ko na mahalaga ito sa kanila dahila ng method of payment nila ay Cash on Delivery kung saan hindi mo kailangan ng credit card o debit card para lamang magbayad at syempre ang tradional na payment ang credit card.

BigBenta Services



Isa rin sa kakaiba sa BigBenta ay meron silang service on the go, ibig sabihin lamang nito ay kung may emergency sa bahay ninyo halimbawa ay kailangan ninyo ng tubero o hindi naman kaya online teacher para sa iyong anak, aba dito ka na sa Serbisyo Ora Mismo kung saan makikita mo dito ang mga serbisyo kailangan mo agad. Kung baga sa isang site isang click lang pasok na agad.

Liban pa dito pwede ka rin mag apply sa kanila para magbigay ng serbisyo open sila sa ganung bagay lalo't na kung marami ka naman sapat na oras at gusto mong kumita pa ng extra.

BigBenta Prime


BigBenta Prime
Isa sa masasabi kung wow na wow sa BigBenta ay ang BigBenta Prime kung saan makikita mo dito ang bahay at lupa na kailangan mo ng mabilisan at hindi na kailangan pa pumunta mismo sa site ng developer, bakit? Sapagkat meron silang 360 degrees shoot ng mismong bahay at hindi lamang yun kung pamilyar kayo sa google map virtual tour parang ganun ang BigBenta Prime.


Kaya naman masasabi kung nakakaproud na meron isang enterprenuer na nakaisip ng ganitong konsepto para sa isang pinoy na talaga naman hindi na kailangan pang pumunta sa ibang site para lamang makita nila ang kanilang hinahanap.

Ika nga nila ang BigBenta ang iyong one-stop online shopping to go.

Bisitahin ang kanilang opisyal na website na www.bigbenta.com para sa iba pang mga impormasyon na nais mong pang malaman.

0 comments :

Post a Comment