Tuesday, November 22, 2016

Magic Temple Remastered


Isa sa mga di makakalimutang pelikula noong 90s ang Magic Temple ng Star Cinema kung saan pinagbibidahan ng mga teen stars noon na sina  Jason Salcedo, Junell Hernando and Marc Solis kasama sina Anna Larrucea, Jun Urbano, Jackie Lou Blanco, Gina Pareño, Aljon Jimenez Koko Trinidad, Kristopher Peralta at Carlo Aquino.


Kaya naman hindi na ako magtataka pa kung balik muling ibabalik ng ABS-CBN ang isa sa mga patok at panalong pelikula noong 90s ang Magic Temple. Sapagkat alam naman nating lahat na kahit di naman kagandahan ang mga special effects noong araw pero talagang naman pinag-isipan mabuti ang bawat detalye lalo na ang kwento nito. Anu pa nga ba at nagkaroon ito ng series kung saan tinawag naman itong "Magic Kingdom" kung saan ang isa sa mga bida nito ay si Anne Curtis-Smith o mas kilala na ngaun bilang Anee Curtis.

Kaya bilang isa ako sa mga excited sa Magic Temple ay naisipan ko gumawa ng text photo style na nakita ko lamang dito sa google.  Tara samahan mo ako magbalik tanaw sa nakaraan at namnamin ang magagandang araw na iniwan ng pelikulang Magic Temple.




Narito ang iba pang mga magagandang eksena ng Magic Temple.

IIlan lamang yan sa mga di malilimutang mga eksena ng Magic Temple. kaya naman kung isa ka sa mga tigahanga ng pelikulang ito ay huwag na huwag mong papalagpasin ang remastered ng Magic Temple sa darating na Disyembre sa Rockwell Powerplant Mall.

Muli na naman nating makikita sa big screen ang nagpaLSS ng mga kabataan noong 90s at sana ngaun din ang "Buto't kalansay tabi tabi po sa bangkay lulubog lilitaw sasaradong hukay"

Syempre muli na naman nating makikita ang masaya, malungkot at nakakaaliw na maglalakbay nina
Jubal, Sambag, Omar papuntang Samadi para ibalik ang balanse ng mundo..

0 comments :

Post a Comment