Thursday, January 5, 2017

Piolo Pascual reveal more on his 40th Birthday


Sino nga bang Pinoy ang hindi makakakilala sa isang Piolo Pascual o mas kilala bilang Papa P. marahil lahat yan kilala pagsinabi mong hearthrob si Piolo Pascual kaagad ang nasa isip mo hindi ba?
Kaya nakakatuwa lamang na kahit nasa edad na sya na 40 ay talaga naman alagang-alaga pa rin sya sa kanyang kalusugan at pangangakatawan. Sabi nga nila life begins in 40 kaya kaya naman bilang isang ordinaryong tao katulad ko nagtatnung ako sa kanya kung anu nga ba ang bago sa kanya ngaun 2017 at sa edad niyang 40.


Base na rin sa aking interview sa kanya ay narito ang ilan sa mga plano niya sa taong 2017, una ang pagtatapos ng kanyang album na greatest hits noong nakaraang disyembre, ikalawa ang paggawa niya ng pelikula para sa Valentine offering ng Star Cinema kung saan makakasama niya ang isa sa baguhan ngunit may dating na aktress na si Yen Santos kung saan kinunan pa ang nasabing pelikula sa New Zealand. Syempre hindi mawawala ang mga mall tours at ang ASAP, collaboration album kasama ang nag-iisang pop rock icon na si Ely Buendia at isa pang pelikula na kanyang gagawin bago matapos ang taong 2017. Mawawala ba naman ang pagproproduce nya ng kanyang sariling pelikula sa kanyang production sn Spring Film,

Isa rin sa magiging highlight ng 2017 ni Piolo Pascual ay ang muling pagsasama nila nina Direk Erick Matti sa pelikulang "Pintakasi" makakasama din sya sa pelikulang ito si Dingdong Dantes. Sapagkat isa din sa mga gustong genre na movie ni Piolo ang military base plot katulad ng kanyang ginawa sa "Dekada 70".

Natanung ko na rin si Piolo Pascual kung anu nga ba ang top 5 most memorable experience nya sa showbiz simula na nag-umpisa sya. Ayon mismo sa kanya , isa ang Dekada 70 sa masasabi niyang one of the best highlight sapagkat doon siya unang nanalo ng kanyang acting awards, syempre ang kanyang team-up kay Ms. Judy Ann Santos, at ABS-CBN syempre dahil sa galing nilang mag-alaga.

Para sa iba pang mga detalye patungkol sa interview na ito maari lamang paanorin ang video.


Natanung ko rin sa kanya kung anu nga ba ang magiging legacy ng isang Piolo Pascual sa mundo ng showbiz, ayon sa kanya ay hindi pa nya masasabi sapagkat sinusulat pa rin nya ito.

0 comments :

Post a Comment