Tuesday, January 3, 2017

Weekend Getaway : Ezekiel's Touch Health & Wellness Spa


Sabi nga nila isa sa mga masarap gawin pagkatapos ng isang mahaba, nakakaenjoy o minsan naman ay nakakstress na holiday ay itreat mo naman ang iyong sarili upang may maenjoy mo ang taong 2017.

Isa ang Ezekiel's Touch Health & Wellness Spa na magandang puntahang ngayong 2017 sapagkat maeenjoy mo ang iyong sarili. Noong unang kita ko pa Ezekiel's Touch Health & Wellness Spa akala ko isang ordinaryong spa na sa mga kilalang street sa Quenzon City, aba iba pa sya kumbaga sa isang restaurant ay hole in the wall siya sapagkat nasa isang apartment lamang ang Ezekiel's Touch Health & Wellness Spa pero huwag ninyo basta maliit ang lugar na ito sapagkat pagpasok mo pa lamang sa loob ay marerelaks ka na sa aroma na taglay ng spa na ito. Marahil isa iyon sa mga dahilan kung bakit ilan sa mga guest nila ang pumabalik-balik dahil sa aromang taglay ng Ezekiel's Touch Health & Wellness Spa.


Nakakatuwa lamang noong pumasok kami sa Ezekiel's Touch Health & Wellness Spa ay agad na sumalubong sa amin ang masayahin at makwentong may-ari na ito na si Drew and Sheryl So na anino'y matagal na kaibigan mo na hindi nagkita dahil sa sarap ng mga kwentuhan namin, naitanong ko din sa kanilan kung anu nga ba ang kwento sa likod ng Ezekiel's Touch Health & Wellness Spa, ayon mismo kay Sheryl nagmula ang pangalan na iyon sa bible name na Ezekiel na ang ibig sabihin nito ay God will strengthen or strong kung saan nababagay naman ito sapagkat pagpasok pa lang dito ramdam mo na magiging ok ka sa kanila. Liban pa dito ay si Ms. Sheryl din ay magaling magmasahe dahil sa aking lambot at galing nito kaya naman ikumbinse siya ng kanyang mga kaibigan na bakit hindi nya subukan magbukas ng isang spa ganung bagay na naman ito sa kanila at iilan lamang ang may spa sa kanilang paligid noon.

Ezekiel's Touch Health & Wellness Spa | Spa Area
Ang Ezekiel's Touch Health & Wellness Spa ay meron tatlong palapag. Nasa unang palapag ang receiving area at ang footspa area kung saan maeenjoy ng mga guest ang sarap ng aroma na meron sila liban pa dito habang nasa loob kayo o naghihintay bibigyan nila kayo ng isang masarap na tasang wintermelon tea na animoy lasang alatiris pero hindi, masarap sya kasi nagbibigay ito ng isang relaxation sa katawan mo.

Dahil andito na rin lamang ako sa spa area nila ay sinubukan ko na ang isa sa mga service na meron sila ang foot spa na talagang naman aliw ako sapagkat ang dami pala nitong proseso na kailangan gawin na talaga naman masasabi ko na mahusay at magaling ang mga staff na meron sila, Isa sa mga naaliw ako dito ay ang magic foot spa na kung saan anino'y para lang nasa isang buhangin dahil sa isang sangkap na nilagay nila habang paa mo ito.

Ezekiel's Touch Health & Wellness Spa | Foot Spa Treatment
Pagkatapos ng isang masarap na masahe mula syempre anu pa nga ba ang susunod kundi ang masarap na body massage na talaga naman nagulat ako dahil combination massage ang binigay nila sa akin akala ko hiwalay na sila, ang kinuha kung massage service ay ang asthma at migraine massage sapagkat alam naman natin na isa yan sa mga kalaban namin manunulat dahil kailangan ibeat ang bawat deadline na kailangan. Maliban pa dito ay sinubukan ko din ang masarap na body scrub massage nila na talaga lalong nagparelax sa akin at hindi ko na malayan na nakatulog pala ako. Hindi ko nga mawari kung ilang minuto nga ba ang tinagal ko sa silid na iyon at masasabi ko na mahusay magdala ng kamay at haplos ang stuff ng Ezekiel's Touch Health & Wellness Spa.

Ezekiel's Touch Health & Wellness Spa | Family Room
Bago mawala sa silid nasa ikalawang palapag at ikatlo ang massage area nito na nahahati sa tatlong silid, meron family room kung saan merong 4 hanggang limang kama at ang lovers room kung saan meron dalawang kama lamang, Pasensya na wala akong larawan na minamassage hindi bale sa susunod na balik ko sa kanila makakasigurado na akong makakakuha ako ng larawan na minamassage ako.

Pagkatapos ng isang masarap na massage ay bumaba na ako at nakipagkwentuhan pa kay Sheryl patungkol sa kanyang spam syempre habang nakikipagkwentuhan ako ay binigyan nila kami ng isang masarap na pagkain kung saan good for the body sapagkat isa itong cleaning food na talaga nagustuhan ko lalo't pa  masarap ito. Walang iba kundi ang Ashiitaba Salad at EZE Cleanser and EZE Barley juice

 Ashiitaba Salad at EZE Cleanser
Kaya naman hindi na ako nakapagtataka pa kung bakit madalas palaging fully booked ang Ezekiel's Touch Health & Wellness Spa dahil sa mahusay at magagaling na staff nila. Ika nga nila hindi naman gagalingan ang mga staff nila kung hindi rin gagabayan ng kanilang mahusay na may-ari hindi ba?

Ezekiel's Touch Health & Wellness Spa | Pain Relief Rub
Syempre meron din merchandise ang Ezekiel's Touch Health & Wellness Spa na gusto-gusto ko at ginagamit ko sya lali bago ako matulog na ang laging bagay at tulong nito sa akin sapagkat una pain reliever, pangalawa mabilis magaling ng aches at higit sa lahat at ang bango nito at hindi sya oily kumpara sa iba.

Para sa kaalamanan ng lahat ang Ezekiel's Touch Health & Wellness Spa ay patatagpuan sa  #53 Unit 4 14St. New Manila, Quezon City, Philippines o hindi naman kaya ay tumawag lamang kayo sa kanilang opisyal na numero na 0917 505 4939 o maari din bisitahin ang kanilang opisyal na facebook account https://www.facebook.com/ezekielstouch.

So paano hanggang dito na lamang ako, kita-kits tayo sa Ezekiel's Touch Health & Wellness Spa malay mo pagbalik ko andun ka at ilibre pa kita ng isang session ng massage.

0 comments :

Post a Comment