Monday, February 13, 2017

Star Magic celebrates 25 yrs in the industry


"Ikaw ang magic ng buhay ko, kaya`t hindi`t titigil to kaya`t tuloy-tuloy lang", isa yan sa laging pumapasok sa aking isipan tuwing nakikita ko ang Star Magic. Sino ba naman hindi nakakaalam ng theme song ng Star Magic sigurado ako laman lahat ito ng solid kapamilya lalong-lalo na ngaun na ang catchy ng bagong theme song nila.
Syempre bago nating baybayin ang kanilang bagong theme song samahan mo muna akong magbalik tanaw kung paano nga ba nagsimula ang Star Magic?.

Star Magic Pillars
Piolo Pascual, Bea Alonzo, Angelica Panganiban, Jodi Sta. Maria & Jericho Rosales
Nagsimula ang Star Magic noong nagsisimula ng dumami ang mga talents ng Kapamilya Network kung saan isa sa mga unang project ng talents nila ay ang "Ang TV" at alam naman nating lahat na isa ang "Ang TV" sa mga naging patok at kilalang show noong 90s, dito rin nagsimula ang ilan sa mga sikat at bigating artista ngayon katulad na lamang nila Jolina Magdangal, Angelica Panganiban, Shaina Magdayao, Kaye Abad at marami pang iba kaya simula noong patuloy na naghanap ang mga big boss ng kapamilya network ng mga bata at kabataan na may potential na humarap sa mundo ng showbiz at dito na nga sumibol ang Star Circle Quest. Dahil naging patok na rin ang programang ito naisipan ng management na mas maging malawak at magaling kumpara sa iba kaya naman naging "Star Magic".

Star Magic Talents
Kaya naman hindi na nakapagtataka pa kung bakit maraming mga artista mula sa iba't-ibang network o baguhan ang gusto maging membro ng Star Magic. Marahil siguro isa sa mga naging factor nito ay ang kalidad ng workshop na binibigay ng Star Magic sa kanilang mga artista. Kitang-kita naman ito sa kanila sapagkat halos lahat ng tv commercial, print ads maging sa social media sila ang laman at kung titignan mo naman sa acting hindi matatawaran ang mga galing nila. Ilan sa mga talent ng Star Magic ay naging nominado pa sa Emmy hindi ba?

Kaya naman natanung ng media sa mga pillars ng Star Magic kung anung meron sa magic meron ang Star Magic.

Panoorin ang kanilang naging sagot.


Syempre dahil 25 na taon na sila may bagong silang theme song kung saan sigurado akong maLSS ka naman.




0 comments :

Post a Comment