Friday, March 24, 2017

Joshua Garcia And Julia Barreto The Newest Yumbassadors


Sabi nga nila hindi ka isang Pinoy kung hindi mo pa natitikman ang isa sa mga masarap na burger ng bansa, anu pa nga ba ito kundi ang nag-iisang yumburger ng Jollibee. Isa ang yumburger sa mabenta sa Jollibee dahil sa aking sarap at lasa nito.
Marahil kaya naging tagline nila ang Laghap Sarap kung saan bagay na bagay naman talaga ang tema ng tagline na ito sa kanilang nag-iisang yumburger. Kahit na sabihin nating isa ito sa unang produkto ng Jollibee ay hindi pa rin ito nagbabago ng lasa simula noon hanggang ngaun.


Kaya naman bilang isang batang Jollibee nakakatuwa lang na naimbitahan tayo sa kanilang pagtitipon kung saan ipapakilala ng Jollibee ang dalawa ang bagong nilang Yumbassador na walang iba kundi sina Joshua Garcia at Julia Barreto. Hindi naman nakakapagtataka pa kung bakit sila ang kinuha dahil sa kanilang aking chemistry both off and on screen. Maliban pa dito nakita ko din na totoo sila sa isa't-isa lalo na ung bigyan nila ng bagong buhay ang bagong tvc ng Yum burger Jollibee.

Isa pa sa nakakatuwa ay kung paano nila mas ginawang masaya at jolly ang batang TVC ng Yumburger andun pa rin ang beat ng LANGHAP SARAP na saya at mas makulay.

Para malaman ninyo kung anu ang aking sinasabi tingin ninyo ang video ng Langhap Sarap noon at Langhap Sarap ngaun.

Langhap Sarap noon :




Langhap Sarap kasama sina Joshua Garcia at Julia Barreto:


Kaya naman anu pa ang hinihintay mo maglanghap sarap na sa iyong pinakamalapit na Jollibee.

Para sa iba pang mga naganap sa Yumbassador launch tumungo lamang sa fanpage ng AXLPowerhouse.

0 comments :

Post a Comment