Saturday, April 1, 2017

Azalea Residences Baguio : Your Home In Baguio


Sabi nga nila kung pupunta ka sa isang lugar dapat kumportable ka at alam mo na ligtas ka sa lugar na pupuntahan mo, oo minsan masarap ang may trill sa buhay pero hindi ba mas mainam na ligtas kang pumunta at ligtas ka rin makakabalik.

Isa ang Azalea Residences Baguio sa masasabi kung ligtas na pumuntahan pag nasa Baguio ka na lalo na kung kasama mo ang pamilya mo para magbakasyon sa malamig at masarap na lugar ng Baguio.


Anung meron sa Azalea Residences Baguio na wala sa iba? Kung titignan mo naman ito parang isang ordinary na hotel lamang siya katulad sa Manila pero para sa akin maraming iba sa Azalea Residences Baguio nawala sa iba. Ikaw pa naman uulitin mo pa ba magstay dito sa Azalea Residences Baguio kung hindi mo nagustuhan ang lugar na ito, syempre di ba? Isa sa mga maraming rason kung bakit binabalik-balikan ko ang Azalea Residences Baguio  ay ang kanilang masayahin, palabati at bibong mga staff. Yung tipong sobrang cool nilang kasama na anino'y para ma na rin silang barkada. Kaya sigurado marami ang kumukuha na rin o nag-aavail na rin ng kanilang promo na membership kung saan mas makakamura ka pa at hindi lamang yun lifetime mo pa syang magagamit at pwede mo pa syang ipamana sa iyong mga anak. Hindi ba? Ang sulit-sulit. Kitang-kita mo na mahal na mahal nila ang mga guest nila.

Tradisyon dessert buffet
Ikalawang rason kung bakit mas masarap mag stay sa Azalea Residences Baguio ay ang kanilang pagkain sa kanilang restaurant na "Tradisyon" kung saan ang mga menu nila ay mostly mga pinoy food na talaga naman nakakatakam at nakakapanabik na balik-balikan lalo na ang isa sa mga paborito ko ang masarap na kare-kare nila na sinamahan pa ng masarap na bagoong. Sulit na sulit ang bawat pagkain mo dito dahil nga buffet ang inooffer nila maliban pa dito fresh from the market pa ang ingredients na gamit nila kaya naman alam mo na mas masarap ito.

Tradisyon menu buffet

Sayang lang at di ko nakuhaan ng litrato ang Azalea Chocolate Drink on of the best chocolate drink ever na natikman ko, isa yan sa mga dahilan kung bakit hindi mo na kailan pa umalis ng hotel para lamang kumain pa sa session road na medyo madami ang tao lalo na sa panahon ngaun na summer na summer na hindi ba?

Isa rin sa gusto ko dito ang kanilang amenities yung tipong kukuha ka ng isang kwarto pero meron pa palang kwarto mismo sa loob yung ganun style at hindi lamang yun sulit ang bawat silid na meron sila from bachelor pad stype kung saan indie traveller lang ang peg mo meron sila nun. Teka baka mamali pa ako ng sabi ng ibang amenities ng Azalea Residences Baguio.


Pero narito ang kumpletong detalye ng bawat silid na meron ang Azalea  Residences Baguio.

Meron 99  multi-occupant apartment suite room ang Azalea Residences Baguio na binubuo ng 46 deluxe, 17 one-bedroom, 33 two-bedroom and 3 three-bedroom kung saan kasama na ang kusina and dining facility nito.

Narito naman ang detalye kung magkano ang silid na pwede ninyong kunin kung sakali man na gusto ninyo magstay.

Deluxe Hotel Room 
No Balcony- P5,950 (regular season) P6,950 (peak season)
Back Balcony-  P6,600 (regular season) P7,600 (peak season)
Front Balcony- P9,000 (regular season) P10,000 (peak season)
One Bedroom Apartment Loft- P8,000 (regular season) P9,000 (peak season)
One Bedroom Apartment Suite- P9,000 (regular season) P10,500 (peak season)
Two Bedroom Apartment Suite Back Balcony- P13,500 (regular season) P15,000 (peak season)
Two Bedroom Apartment Suite Front Balcony- P15,000 (regular season) P16,500 (peak season)
Three Bedroom Apartment Suite- P18,000 (regular season) P19,500 (peak season).

Kung tutusuin swak na swak ito kung magbabarkada kayong magstay o hindi naman kung pamily hindi ba? Lalo pa ngaun na summer mainit sa Manila.

Over-all masasabi kung Azalea Residences Baguio is Your Home In Baguio and Your Holiday Haven.





0 comments :

Post a Comment