Friday, April 14, 2017

SunLife Philippines GoWell | Healthy Life Brighter Life


Sabi nga nila kung gusto maraming paraan kung ayaw madaming dahilan. Isa yan sa mga sikat na kasabihan sa atin ng mga matatanda mula noon hanggang sa ngaun. Hindi mo man ito intindihin pero alam ko sa sarili mo ginawa mo ito ng hindi mo namamalayan hindi ba?
Bakit ko ba sinasabi ang bagay na ito sapagkat sa panahon ngaun o tamang sabihin na sa henerasyon ngaun ay iba na ang nagaganap madami pangyayari ang hindi na natin inaasahan pa. Kaya naman dapat natin laging bigyan ng pansin ang ating sariling kalusugan pisikal man ito o emosyonal dahil dito nakasalalay ang ating itatagal sa mundo na ito.

GoWell Official website
Kaya naman mayroon na naman bagong programa inilunsad ang isa sa pinakamagaling at mahusay na financial insurance sa bansa ang Sun Life Philippines, ang programang ito ay naglalayon na maging malusog mula sa tamang  pagkain hanggang sa tamang ehersisyo at maliban pa dito ay makakatanggap ka pa ng isang reward sa bawat pagpunta o pagdalo mo lamang sa kanilang mga aktibidadis na panigurado na mas gugustuhin mo na lamang na dumalo. Ika nga nila naenjoy mo na, nakapagexercise ka na may premyo ka pa. Saan ka pa ba tutungo kundi doon na lamang hindi ba?

Anu nga ba itong tinutukoy ko? Walang iba kundi ang SunLife Philippines GoWell kung saan ang main object talaga ang programang ito ay maipromote ang holistic wellness hindi lamang sa iyo kundi sa community mismo, syempre naman mas masaya kung sama-sama kayong pagkakapamilya o hindi naman ang pagkakabarkada na mag-excercise hindi ba?

point and rewards of GoWell
Isa ito sa mga program ng SunLife Philippines na gusto ko alam ninyo ba kung bakit? Kasi free lang sya wala pa babayaran na kahit magkano mula sa venua hanggang sa magtuturo sa iyo at isa pa pwede ka sumali sa community ng GoWell. Simple lang ang gagawin mo magregister ka lang sa kanila official site na https://www.gowell.com.ph tapos makikita mo doon ang bawat mga activity na meron sila tapos ito pa di ba nasabi ko na may rewards ito, bawat click mo lang sa website nila may katumbas na point na yun tapos ung points na yun ayun ang pwede mong pampalit para sa rewards.

Sunlife Phillipines Gowell Fitmess Guru
Illan lang yan sa mga makukuha mong mga benipisyo kung sakaling sumali ka sa SunLife Philippines GoWell at kung ayaw mo naman sumali sa community work-out pwede mo naman itong gawin sa bahay sapagkat meon video work-out ang SunLife Philippines GoWell site kung saan ang gagawin mo na lamang ay papanoorin ito ay gagayahin ang bawat steps. O di ba? Binigay na sa iyo lahat ang lahat-lahat ng SunLife Philippines GoWell ang gagawin mo na lamang ay susundin ito at ikaw na ang magseset ng oras kung kailan mo gusto gawin. Pero syempre mas mainam pa rin na mas maaga mo iyong simulan para mas madami kang magawa at makuhang points.Malay natin ung points na yun pwede mong ipampalit sa isang rewards na gusto-gusto mo kasi di mo makuha. At para naman sa mga membro ng SunLife Philippines na feeling nila lugi sila naku huwag kayong mag-alala sapagkat pwede rin kayo sumali sa SunLife Philippines GoWell na ito sapagkat automatic member na kayo basta huwag ninyo lamang kakalimutan magregister sa site, ang makukuhang benipisyo ninyo ay syempre kayo ang nasa priority line ng GoWell.

So anu po ang hinintay mo. join ka na sa SunLife Philippines GoWell start your healthy lifestyle with a brighter life.

0 comments :

Post a Comment