Wednesday, May 31, 2017

Magic Temple stars na sina Junell Hernando, Marc Solis at Jason Salcedo muling nagsama-sama

Pagkatapos ng 20 yrs muling nagsama-sama ang tatlong bida ng Magic Temple.
Larawan mula kay Junell Hernando
Kung isa ka sa mga batang 90s paniguradong tuwang-tuwa ka noong una mong napanood ang isa sa mga magaganda at mahusay na gawa ng Star Cinema na "Magic Temple" na pinagbibidahan nina Junell Hernando bilang Sambag, Marc Solis bilang Omar, Jason Salcedo bilang Jubal at Anna Larrucea bilang Yasmin.

Lahat naman ata ng mga batang 90s ay talaga nama nabighani ng magandang kwento nito at ang mga hindi mtatawarang musika. Sino nga ba ang hindi nakakaalam na sikat na kanta ng Magic Temple  na "Buto't kalansay tabi tabi po sa bangkay lulubog lilitaw sasaradong hukay" di ba? kahit sinong tanungin mo patungkol sa awit na yan paniguradong alam na alam nila na.

Junell Hernando bilang Sambag, Marc Solis bilang Omar
Isa pa sa mga nagpasabik sa mga batang 90s ay ang pagrerestore ng pelikulang Magic Temple na ginanap noong sa Powerplant Mall kung saan nagkaroon ng munting reunion na sina Junell Hernando bilang Sambag at Marc Solis bilang Omar sa unang pagkakataon. Nakakalungkot lang nun kasi hindi sila kumpleto nasabi pa nga noon ni Junell na pinilit pa nyang umiwi si Jason pero hindi talaga pwede dahil hindi maiwan ang trabaho niya.

Pero kagaya nga ng isang kasabihan dadating ang panahon na muling magtatagpo ang tatlo ay ayun na nga nagyari na nga ang inasahan muli silang nagkita-kita at nagkasama-sama. Meron pang bonus sapagkat nagkaroon ng pagkakatapon ang ilan sa mga tagahanga ng Magic Temple na masilayan silang tatlo.

Narito ang facebook live feed na galing mismo kay Junell.


Napakasayang get-together ito lalo na sa mga fans sana sa susunod na get together ng Magic Temple makasama ako.

So paano hanggang sa muling pagkikita sa mundo ng Samadhi.

0 comments :

Post a Comment