Thursday, July 27, 2017

15 Quotable Quotes That Made Tonyo Truly Pogi and Loveable


Isa ang pelikulang KITA-KITA na masasabi kung totoong kwento ng pag-ibig, pag-ibig na mararamdaman mo ang lahat ng emosyon.

Kaya naman hindi na ako nakapagtataka pa kung bakit naging patok ang pelikulang Kita-Kita nila Empoy Marquez (Tonyo) at Alessandra de Rossi (Lea) dahil may kwento naman talaga.

Kaya naman narito ang 15 QUOTABLE QUOTES THAT MADE TONYO TRULY POGI AND LOVEABLE na sinulat ni Jerome Papa Lucas base sa kanya pagkita sa pelikulang KITA KITA.

1. Ang labo mo. Noong nakakakita ka, hindi mo ako nakita. Tapos noong nabulag ka, saka mo ako nakita.

2. It’s now. It’s never.

3. E ano naman kung bulag ka? Ako naman ang magsisilbing mata mo eh.


4. Hindi ko alam kung bakit mas pinili kong magkasakit sa bato kaysa umalis sa tabi mo.

5. Nagluto pala ako ng turon. Matamis. Baka kailangan mo ng asukal. Ang asim kasi ng mukha mo.

6. May mga bagay na kailangan mong paghirapan bago mo makuha.

7. Kailangan kumain ng repolyo para sumaya ka.


8. Bulag na bulag na ako sa pag-ibig.

9. Di mo naman siya (ang pag-ibig) kailangang makita, mararamdaman mo naman eh.

10. Nagugutom ako kapag nakakarinig ako ng bell. Naaalala ko ang recess.

11. Pero ang feelings ko hindi bulag. Actually sensitive ako sa lahat ng may gusto sa akin.

12. Hind ako mayabang. Humble ako. Di ko nga pinagpapansin lahat ng patay na patay sa aking mga chicks sa lalawigan namin. Nagpuntahan nga bahay lahat.

Sabay sabay! Sabi ko wait lang, wait lang, wait lang kasi taken na ako.


13. Isa. Isang beses lang ako nagmahal. Masama ba magmahal ng isa lang?

14. Malaki ang puso ko, at di magtatagal sasabog ito. Ang hiling ko lang, bago man ito sumabog, makilala man lang kita.

15. Salamat, puso. Nagmamahal, saging.

Kaya naman kung gusto mo malaman kung bakit naging quotable quote ang mga yan aba sunod na sa pinakamalapit na sinehan.

photo credit to Spring films

0 comments :

Post a Comment