Monday, September 11, 2017

Devon Seron the newest partner of Korean Superstars Jin Ju Hyung and Hyun Woo


Isa sa mga masasabi kung mahusay na aktress sa ganyang henerasyon ngaun ay Devon Seron nagsimula lamang siya mula sa Pinoy Big Brother kung saan nakasama nya ngaun ang isa sa mga masasabi na rin nating bankable star na sila James Reid at Ryan Bang.

Nagsimula si Devon Seron bilang isang kaibigan lagi sa mga palabas sa telebisyon hanggang sa pelikula kumbaga dinaanan nya ang mga ganun mga bagay na dapat naman talaga. Buti nga hindi basta basta bumitiw si Devon Seron sa kanyang pangarap na maging artista at magkaroon ng magandang career.


Dumating na nga pagkakataon pagkakataon na maging lead siya at hindi lamang basta isang lead star dahil makakasama niya ang dalawa sa sikat na artista ng bansang Korea na sina JinJu Hyung at Hyun Woo.

Ang nakakatuwa pa ayun kay Devon Seron ay di lamang isang pangarap ang nakuha nya sapagkat nagkaroon din sya ng pagkakataon na makapunta sa South Korea dahil sa pelikulang kanyang ginagawa.


Nagkwento naman si Devon Seron kung paano o anu ang naging expression nya noong nakita at nakatrabaho na nya sina Jin Ju Hyung at Hyun Woo, ayun kay Devon akala nya noong una ay mga suplado ang mga aktor dahil marahil sa language barrier pero noong nagkita sila sa kanilang first meet and greet ay hindi naman pala at mabilis nitong naging close ang dalawang korean na aktor. Dagdag pa nya sobrang gentlemen ang mga ito, open sa mga suggestion at higit sa lahat ayaw nilang nahihiram yung mga kasama nila sa trabaho.

Sa hindi nakakaalam ang unang pinagbibidahang pelikula ni Devon Seron kasama sya Jin Ju Hyung at Hyun Woo  ay kinunan sa South Korea ng mahigit 80 percent at ang natitira ay sa Pilipinas.

Ang "You With Me" ay isang produksyon ng Gitana Productions at sa direksyon ni Rommel Ricafort.

Mapapanood ang  "You With Me"  sa darating na September 27 sa iyong paboritong sinehan.

0 comments :

Post a Comment