Wednesday, November 15, 2017

Jollibee's first of its kind web series #PetsaDePeligro survival tales of young working Pinoy

The funny and lovable cast of Jollibee Petsa de Peligro
Sabi nga nila isa sa mga kinatatakutan ng mga Pinoy ay ang "Petsa De Peligro" lalong-lalo na kung isa ka lamang simpleng mamamayan sapagkat hindi mo alam kung paano mo nga ba pagkakasyahin ang pera natitira na lamang sa iyong bulsa.


Kaya naman to the rescue ang isa sa number one fast food sa bansa ang Jollibee, isa ang Jollibee sa masasabi kung masarap puntahan at kainan lalo na sa mga simpleng tulad ko na laging nagtitipid lalo na kung sasapit na ang Petsa De Peligro sapagkat dapat kontrolado mo na ang bawat perang lalabas sa iyo dahil kung hindi tiyak mas lalo kang kawawa pag wala ng salapi na meron ka.


Syempre dahil nga Jollibee ito asahan mo na meron silang pakulo para sa Petsa De Peligro kung naiyak, natuwa o nainis kayo sa kanilang mga nakaraan na komersyal sa telebisyon asahan ninyo na mas doble ang iyong mararamdaman sa kanilang bagong komersyal na may pamagat na "Petsa De Peligro" kung saan mapapanood natin kung paano nga ba makasurvive sa petsa de peligro na iyan. Sinasalamin din ng komersyal na ito ang iyong pagkatao sapagkat mas masaya ito dahil hindi na lamang isa isang episode kungdi webpisode na ibig sabihin lamang nito mas madami na tayong makikita at makukuhang tips kung paano tayo nakakasurvive sa Petsa De Peligro.

Syempre dahil nakaattend ako ng media launch ng Jollibee : Petsa De Peligro nakilala ko ng personal ang mga karakter at kung anu nga ba ang sila sa komersyal na ito.

Narito ang kompletog detalye ng cast ng Petsa de Peligro.

The whole team of Jollibee Petsa De Peligro both onscreen, production and creative team
Bryan Mendoza as Pare, the “Diskarte Dude” ng Sales; Charlon Untalan as Jiro, the “Eat Guy” ng I.T.; Aldrin Angeles as James, Mr. Pogi ng Marketing; Justine Pena as Nina, the “Kikay-Diva” ng Accounting; Thea Yrastorza as Alex, the “Hugot Girl” ng Art Dept.; Arielle Roces as Queenie, H.R. Royalty; Almira Joverto as Terry, the Secretary/Businesswoman; Gerlie Hemilo as Ate Flor, the Janitress; and Cesar Batistis as Manong Gardo, the English-speaking Guard.

JolliSaver Sulit-Sarap Choco malls and Peach Mango
Paano makakasurvive sa Petsa De Peligro simple lang naman pumunta na sa malapit na Jollibee branch at piliin ang kanilang JolliSaver Sulit-Sarap meals kung saan naglalaro lamang ang presyo nito mula sa 50 pesos guys, sa 50 pesos na yun siguradong busog ka na at nakatipid ka pa.

Ilan sa mga JolliSaver Sulit-Sarap meals ay ang Jolly Hotdog (P50); Jolly Spaghetti (P50); doble-linamnam Burger Steak (P50) at 100% beefy langhap-sarap Yum Burger (P30). Oh di ba, sabi nga sa isang komersyal what's sulit mama, dyan pa lang sa kanilang JolliSaver Sulit-Sarap meals bawing-bawi ka na at pwede ka pang mag takehome para sa mga kasama mo sa bahay.

Narito ang unang Jollibee serye Petsa de Peligro na may pamagat na "Meet The Cast"


Syempre para malaman mo pa ang iba pang mga sulit tips bago ang Petsa de Peligro panoorin mo na ang komersyal ng Jollibee na Petsa de Peligro tuwing 14th at 29th para naman mas update ka.

0 comments :

Post a Comment