Tuesday, February 13, 2018

Maja Salvador and Tor Saksit collab for new single


Hindi na talaga papatalo at papapigil pa ang isang Maja Salvador sa kanyang karera sapagkat pagkatapos lamang ng kanyang matagumpay na serye na Wild Flower ay sabak na ulit siya sa kanyang unang minahal ang pagkanta at hindi lamang ito basta isang pagkanta lamang dahil makakasa din nya ang isa sa mga mahuhusay na kompositor at mang-aawit mula sa bansang Thailand na isa din pa lang heartthob sa kanilang bansa na si Tor Saksit.


Ang collaboration na ito ay matagal na naisayos noong Augusto pa ayun mismo kay Maja Salvador at natutuwa sya na isa sya sa mga napili na makacollab ang isang Tor Saksit sapagkat noong tiningnan umaano nya ang social media account nito ay hindi niya maalis na humanga dito ng husto lalo na ng nalaman na isang music genius itong si Tor Saksit. Dahil sa mura nitong edad noon ay mahilig na talaga siya sa musika at hindi lamang yun kaya nya mag name ng tone kahit ilang tipa lamang ang gamit nito mula sa piano at nasaksihan ito ng mga membro ng bloggers at press naganap na ito.

 

Noong araw din na ito ay ipinakita sa amin ang kanilang ginawang music video kung saan kinunan pa ito sa Thailand at masasabi ko ang swabe ng music video na ito mellow dramatic ang datingan dahil sa black and white style ng cinematography nito. Mas nakita dito ang husto ang ganda ng isang Maja Salvador dahil sa ganda ng emote nito at nagbigay buhay din ng husto ng sabayan ng maganda awit nilang dalawa.

Kaya masasabi ko na iba ang chemistry nilang dalawa sa off cam an on cam. Ika nga nila iba ang nagagawa talaga ng musika kahit magkaiba man kayo ng lahi pero musika ang pagbibigkis nito upang mas makaintindihan ng husto.

Dito marahil nakuha ang titulo na "Falling Into You" na pagkatapos kong mapanood ito ay dinowload ko na kaagad sa spofity. Kaya kung gusto ninyo rin mailab at mabighani sa magandang kolaborasyon ng dalawang lahi sa pamamagitan ng musika aba idownload muna ang kanilang single na  "Falling Into You"

0 comments :

Post a Comment