Sunday, April 1, 2018

First ever Wishcovery Winner Princess Sevillena


Sabi nga nila masarap mangarap lalo kung ang pamilya mo ay suportado ang iyong gusto at gagawin mo ang lahat upang makuha lamang ito.

Iyan ang pinatunayan ng isang Princess Sevillena dahil siya ang kauna-unahang tinanghal ng Wishcovery.


Sa haba-haba ng kakahakin na  landas makukuha mo din ang inyong miniminhin lalo na kung may puso ang bawat tinig na lumabas sa iyong bibig at napupukaw ito ang damdamin ng iyong tigapakinig marahil isa sa yan sa dahilan kung bakit nagustuhan din ng mga hurado ang kanyang mga kinanta ng gabing ito.

Isang gabi na puno ng kaba at saya dahil ika nga nila ang gabi na ito ay gabi na ng pagkakaalaman kung sino nga ba sa kanila ang matutupad ang kahiligan na maging kauna-unahang Wishcovery at hindi lamang iyon sapagkat ang ilan sa mga premyo pa ay isang contract mula sa Star Music,  P2-million worth of cash and contract, a house and lot at a brand new car. Liban pa sa premyo na yan ay lilipat din si Princess upang mabigyan ng isang total packag make-over at musical training.


Ito lang ata ang singing contest na wagas todo bigay ang premyo nila kung tutusuin nga kahit maging runner up ka lamang sa Wishcovery ay panalo ka na talaga dahil ang mga premyo nito ay lubos na para makatulong sa iyong pamilya, makapagsimula uli at isa pa mag contract pa rin sa Star Music.

Narito ang listahan ng mga runner ups at kung magkano ang kanilang nakuhang premyo.

Hacel fourth runner-up - P100,000.
Carmela third runner-up - P100,000.
Louie Anne second runner-up P300,000.
Kimberly of Bicol first runner-up - P500,000.

Isa sa nagustuhan ko sa Wishcovery ay lahat ng kinanta nila ay puro OPM na talaga naman nagpasaya sa akin ng husto dahil first time ko ata nakadinig sa isang singing competition na puro OPM talaga, kaya solid ang bawat mga line up ng singing nila.

Ang gabi na din na yun ang isang pagpapatunay na kaya ng Pinoy na kumanta ng sariling atin talaga a may sariling rendition.

So paano kita-kits na lang tayo sa susunod na Wishcovery malay mo ikaw na ang susunod na Wishcovery ng Wish FM.

Naganap ang Wishcovery Grand Finals sa Araneta Coliseum noong Marso 27, 2018

0 comments :

Post a Comment