Wednesday, August 15, 2018

Experience.Connect.Upgrade with SM Supermall Cyberzone


Malaking parte na sa ating mga Pilipino ang SM Supermalls sapagkat madalas dito tayo pumunta upang mamili ng mga kailangan natin sa bahay o maging sa ibang bagay. Kaya naman hindi na nakapagtataka pa kung bakit naging patok ang SM Supermalls sa masa dahil naging one shop stop na ito sa bawat sa atin.


Kaya naman sa buwan na ito isang masayang selebrasyon ang ibibigay sa atin ng SM Supermalls lalong lalo sa mga mahilig sa mga gadget o mga tecknolohiya o maging ang isang gamers. Sapagkat ang buwan ng Agosto ang buwan ng SM Cybermonth kung saan madaming ganap sa bawat SM Supermalls nila.


Narito ang ilan sa mga ganap ng SM Supermalls para sa SM Cybermonth .

1. Gadget Sales na up to 50% discount sa mga participating stores
2. Texh X-hibit tuwing weekends sa lahat ng SM Supermalls.
3. Cosplay Festival competitions at parades sa weekends.
4. Gamer's Corner tuwing Sabado kung saan magkakaroon ng labanan ang mga mahuhusay na gamers muka sa mobile, pc at console.
5. Digital Photography Workshop tuwing Linggo.
6. Augmented Reality Activity kung saan hahanapin ang #AweSM LOGO at manalo ng exciting prizes t discount.


Ilan lamang yan sa mga exciting na magaganap sa SM Cybermonth sa lahat ng SM Supermalls kaya naman wag na wag mong sasayangin ang mga ganitong pagkakataon lalo na ang iba ay libre lamang. Sino ba naman tatangi sa libre hindi ba? Malay mo ung mapanalunan mo yung gusto mo na gadget.

0 comments :

Post a Comment