Wednesday, August 15, 2018

Mangan Ta Na : Butcher’s Daughter Restaurant (The Best Unlimited Meat in South)


Eh ung sulit na sulit ung pagkain mo sa Butcher’s Daughter Restaurant dahil sa kanilang #unlimitedmeat, diosko nakailang balik si ate girl para sa masarap na sausage na talaga naman naenjoy ko ng husto. Craving satisfied para sa meat. Buti na lang sinamahan ako ng south friends para dito.

Ang masarap na variety ng sausage ng Butcher's Daughter
Anu ung #unlimitedmeat nila? Ito lang naman apat na variants ng sausage tapos t-bone, pork chop, pork liempo at chicken inasal syempre kasama na rin ice tea may sidedish pa.


Lahat ng yan sa halagang 599 pesos lang kaya saan ka pa. Di hassle pagluto andito na ung hinahanap mo.


Akala ko nga ung pumunta kami dito sa Butcher’s Daughter Restaurant eh ung tipikal na buffet style ung makikita ko yun pala hindi sapagkat hot serving silam ibig lang ipahiwatig nito na dapat kung anu yung iorder mo dapat maubos mo bago ka ulit umorder kasi kung hindi babayaran mo ung kinain mo ng ala carte. Kaya naman make sure na kapag kakain ka dapat ubusin mo pero sigurado naman ako na mauubos mo kung anu ung nakuha mo dito sapagkat bawat meat nila ay talaga naman masarap.

Isa talaga sa mga naging paborito ko dito ung sausage nila kagaya nga ng nasabi ko sa una nakailang balik din si ate girl para iserve sa amin ung sausage na yun. hindi ko nga alam kung anu nga ba meron sa sausage ng Butcher’s Daughter Restaurant  kung sabit sobrang sarap.

Syempre di lang naman puro meat meron din silang dessert pero hindi na ito kasama sa buffet menu nila, 3 ung tinikman namin dessert na swak sa panlasa natin lahat lalo na kung hindi ka masyado mahilig sa matamis.


Leche flan


Tara na sa Butcher’s Daughter Restaurant dito sa BF Paranaque kung saan ito ang tinuturing Magihawa ng South.

Paano pumunta dito simple lang naman kung galing ka ng Alabang sumakay ka ng dyip mula alabang at sakyan mo ung may signboard na Zapote at magpababa ka sa The Village Square pagkatapos lakad ng kaunti at may makikita kang paradahan ng tryk at doon sabihin mo lamang sa tricyle sa Butcher’s Daughter Restaurant sa may 163 Aguirre Ave.

Kung magmumula ka naman sa Coastal o Cavite pwede kang sumakay ng bus pasouthmall at bumama ka lamang sa Bf Resort at tawid ka sa kabilang kalye papunta Casimiro Tricycle Terminal at sabihin mo lamang sa Butcher’s Daughter Restaurant sa may 163 Aguirre Ave. o maari ka din bumaba sa Southland tas magtrycyle ka papumunta mismio sa Butcher’s Daughter Restaurant sa may 163 Aguirre Ave..

So ayan ha nabigyan na kita ng diretso kung paano pumunta dito sa Butcher’s Daughter Restaurant kaya naman anu pa hinihintay mo punta ka na.

0 comments :

Post a Comment