Friday, August 10, 2018

Tambalang Jon Lucas at Michelle Vito masusubukan sa big screen


Sabi nga nila lahat ng una mahirap at nakakapanabik lalo na kita Jon Lucas at Michelle Vito sapagkat sa kauna unahang pagkakataon masusubukan ang kanilang tambalan sa big screen.

Inamin naman nilang dalawa na kinakabahan sila ng husto lalo pa na bago lamang ang kanilang loveteam ngunit babawi naman ito sa ganda ng storyline.

Ang "Dito Lang Ako" ay isang kwento ng pagibig, pag-asa at paghihingi ng pagkakataon. Swak ito sa mga kabataan ngaun lalo na kwentong pagibig sapagkat sasalamin nito ang isang roller coaster na damdamin at maliban pa dito ay makikita din ng manonood ang makalumang tradisyon ng panliligaw noong panahon ng ating mga lolo't lola na unting unti na nakakalimutan ng kabataan ngaun.


Kaya naman maski ako ay excited na makita at maramdaman ang kakaibang kwento na ito. Isa pa may pagkavintage ang setting ng pelikula.

Kaya naman anu pa hinihintay mo punta na sa sinehan at samahan sina Jon Lucas at Michelle Vito makakasama din nila si h Akihiro Blanco.

Mula sa direksyon ni Roderick Lindayag at produced by Blade Entertainment.

Palabas na nitong August 8, 2018.

0 comments :

Post a Comment