Thursday, May 16, 2019

Ai ai Delas Alas naiyak sa sama Ng loob dahil sa pagiging pasaway ng Ex Battalion


"Hindi ko na kaya ung stress Na binibigay nila, ung mga ginagawa nila, ayaw ko nang madamay in case na may mangyari ulit sa mga di magagandang career nila." Ani ni Ai-ai Delas Alas.


Naglabas ng hinanakit ang comedy concert queen at dating Manager na si Ai Ai delas Alas sa ilang piling press at bloggers patungkol sa pagreresign nya bilang manager ng Ex Battalion dahil sa mga hindi magagandang gawi nila sa kanilang kareer kasama na dito kung saan hindi pagsipot sa mga out of town gig nila na o hindi naman kaya ay pag sumbat nila Kay Ai-ai delas Alas hingil sa sunod-sunod na trabaho mapaTv, movie o out of town man ito.

Dagdag pa ni Ai-ai,i "Di na nila ako nirerespeto, di sila naniniwala sa ginawa mo para sa kanila. Edi aalis na rin ako di ba?!"

Nakapanghinayang ang Ex Battalion kung tutuusin ay nasa kanila ang lahat ng tinatamasa nila bilang isang grupo lalo't pa nga ay hawak sila ni Ai-Ai na alam naman natin na mas nakakatulong ito lalo para lalong umusbong ang kanilan mga karera hindi lamang sa mundo ng musika pati na rin sa iba pang bagay patungkol sa sining.

Narito ang kabuuan na panayam kung bakit nga naiyak si Ai Ai Delas Alas sa sama ng loob sa bandang Ex Battalion.


0 comments :

Post a Comment