Saturday, May 18, 2019

Anton Diva Shine XXII AD, a first major concert after 22 years in industry


Pagkatapos ng isang masayang guest niya Kay Vice Ganda at Regine Velasquez ay hindi nya inaasahan na nagkakaroon pala siya ng isang major concert. Isang performer na matagal na rin sa industry at mahusay din na mang-aawit.

Sino sya walang iba kundi si Anton Diva, nakilala si Anton Diva dahil sa husay nyang mag-aawit at gayang-gaya ang istilo ni Asia Songbird Regine Velasquez-Alcasid.

Maliban sa magiging impersonator nya kay Regine Velasquez ay una syang nakilala bilang member ng Raging Divas kung saan ay kasama din si Teri Onor dito.

Nasabi nga ni Teri Onor habang interview namin sya kung paano nga ba nagsimula ang paconcert ni Anton Diva at pagproduce ni Teri Onor.


"Last time pa namin ito pinag-uusapan na iproproduce ko si Anton, kaya lang June last year kasi birthday nya June 14 bday, after bday nya nagmeeting kami naghahanap kami ng date tsaka venue wala kami makuha pa until October last year eh nag-announce si Meme Vice (Vice Ganda) they having a concert so sabi ko teka lang wag muna tayo, huwag natin silang sabayan and then lumipas ang ilang buwan natuloy yung concert nila Meme Vice and Ate Regs (Regine Velasquez-Alcasid) ung February 14-16 ang ticket ko February 16, so ung Feb 14 nagtretrending sa stage yung nishare ni Anton na andun sila sa Shine na kanta so ung nakita ko yun sa social media binuhay ko ung group chat natin para sa concert nya. Sabi ko ituloy na natin ung concert mo ang title un Shine XXII AD para means 22 years in industry, ung AD Anton Diva. Ung Shine pinik-up ko dun sa kanta nila ung surprise na number nishare nila Ate Regs at Ate Vice.

Kaya naman hindi na nakapagtataka pa kung ang concert na mapapanood natin sa darating na June 15, 2019 sa Cuneta Astrodome ay magiging masaya at riot sa kakatawana dahil alam naman din natin na sa codemy bar din nagsimula ang isang Anton Diva.

Tickets for Anton Diva SHINE XXII AD are available in Ticketnet you can call Tel Nos. 911-5555 for inquiries and reservation. 


0 comments :

Post a Comment