Thursday, July 11, 2019

My Good Ah!!! Granada Branch Experience


Sabi nga nila iba pa rin talaga ang lasa at sarap ng Pinoy food talaga naman hahanap-hanapin mo ng husto Lalo na sa bansa natin na madaming iba't-ibang bersyon mula sa adobo o sinigang hindi ba?


Kaya hindi na nakapagtataka kung bakit maging ang mga banyaga ay gusto ang mga lutong Pinoy.


Isa ang GoodAh!! sa masasabi ko sakto at masarap ang bawat Pinoy food maliban pa dito ay sulit ang bawat bayad mo akalain mo ba naman na malalaki rin ang mga serving nila kaya hindi na nakapagtataka pa kung bawat patuloy na ito dumadami at padami na ng padami ang tumatangkilik sa restaurant na ito.


Kamakailan lamang ay nagbukas ang isa sa mga pinakabagong branch nila sa Quezon City sa may Granada Street, Valencia mismo malapit Lang sa LRT 2 kaya naman kung team north ka malamang nakapanswerte mo dahil isang tumbling lang ito mula sa lugar nito.


Noong nakita ko nga ang GoodAh Granada Branch akala ko ito lamang itong tipikal na tatsilogan pero hindi sapagkat maganda ang interior nito may pagkaminimalist at hindi lamang yun pasok na pasok din ito para sa instagramable kaya naman ung mga kasama ko ay aliw na aliw sa pagphotoshoot para sa IG Goals hindi ko naman sila masisisi dahil bukod sa minimalist ang lugar ay ang ganda ng bawat framing nito kumbaga pinag-isipan talaga ng husto. Maliban sa minimalist ang lugar at meron pa silang dalawang function room kung saan pwede kayo magmeeting o di Kaya ay pwede magselebrate ng kaarawan o isang mini salo-salo para sa magkakaibigan na pareunion, huwag nag-aaala kayo Kasi mukhang walang parking sa lugar meron ito ang masaya lalo't na sa panahon ngaun na ang limited ng parking o hindi naman kaya ay may bayad dito wala bayad at maluwag ang parking.


So dito lamang ay sulit na sulit na ang pagpunta mo sa Good Ah!!! Granada Branch.

Kung sa pagkain na naman ang paguusapan natin ay walang kaso dahil kaya nga ng sabi ko akala ko talaga ung Good Ah!!! ay isang tapsilugan o kaya gotuhan un pala mali ako sapagkat Ang dami variety ng Pinoy Food mula sa masarap at tamang Asim na sinigang, chopsuey, crispy pata, kare-kare, binagoongan grabe lahat talaga ng all time Pinoy favorite andito na kaya marahil binabalik balikan din ang Good Ah!!!


Dahil doon kung tatanungin ninyo naman ako kung meron silang mga minatamis o dessert syempre meron no, ang isa sa mga best dessert nila para sa akin ay ang mango smoothie na talaga ang sarap sarap meron din silang halo-halo, coffee jelly at mais con yelo.

Syempre isa din sa the best at kung ayaw mo naman umalis sa bahay mo meron silang delivery na kung saan matitikman mo ang Pinoy favorite na di na kailangan umalis pa ng bahay, maari Kang pumunta sa website na Ito na www.foodpanda.ph/Goodah, https://www.zomato.com/manila/goodah o tawagan sila sa 4-707070 for all GoodAh!!! branches and (0955) 588-5295 (mobile number for GoodAh!!! Granada branch).


At isa sa mga the best among the best ay meron silang promo kung saan ay pag-umorder ka sa kanila ay meron kang 10 percent discount basta ba ay nakadine-in ka at gamitin mo lamang ang coupon na ito, make sure lang na nakascreenshoot o nakasave ito sa phone mo para naman makapag-avail ka ng discount promo nila.

0 comments :

Post a Comment