Wednesday, September 25, 2019

Share your best bonding moments


Bawat oras, segundo o minuto ay mahalaga lalo sa panahon ngaun dahil ang bilis bilis hindi na hindi na natin namamalayan na pagtanda natin
at kasabay ng ating pagtanda ay tumatanda na rin ang ating mga magulang kaya naman nararapat lamang na maglaan tayo ng oras para sa kanila, hindi dahil kailangan kundi para mas makilala pa natin sila ng husto sapagkat alam naman natin na may mga bagay tayo na hindi pa natin nalalaman sa kanila.


Kaya habang nagbrowse ako sa YouTube nakita ko ang isang interesting channel, ang channel ni Chuckie Dreyfus patungkol ang video sa bonding ng father and daughter at kung gaano nga ba nila kilala ang isa't isa. Nakakatuwa silang pagmasdan kasi kahit alam mo sarili mo na close talaga sila may mga bagay talaga na hindi pa nila alam. Isa din sa nagustuhan ko sa video nila ay ung moments na sa kainan talaga naganap na kung tutuusin totoo naman di ba? Kasi sa hapag tayo nagkakaroon ng pagkakataon na mag-usap-usap kung kumusta ang araw ng bawat membro ng pamilya, anong balita sa mga buhay-buhay nila.

Kaya naman ako kahit busy ako gumawa ako ng paraan o mas tamang sabihin na naglalaan talaga ako ng oras sa Tatay ko pag weekend para naman habang malakas pa sya ay mas maging solid kami sa isa't-isa sino ba naman ang pagtutulangan hindi ba? Isa sa mga bonding moments din namin ay pag-usapan ang lagay ng bansa lalo na pagdating sa usaping agrikultura. Paano hindi namin pag-uusapan yun, isa ang pagsasaka ang dahilan kung bakit nakapagtapos silang pagkakapatid at minsan ko na din naranasan ang pagsaka noong bata pa ako. Kaya naman alam namin pareho ang halaga ng bawat butil ng palay o bigas na aming kinakain.

Ikaw anong kwentong bonding moments ninyo ng magulang mo. Kwento mo naman.

0 comments :

Post a Comment